USTET RESULT
I think January na yata or February makukuha yung result ng Entrance Test namin sa UST. Hindi ko alam yung exact date pero ang alam ko basta next year. Haha lol.
Kinakabahan ako. Sana pumasa ako. Kahit bumagsak na po ako sa Benilde at kahit saan pang school nag page-examan ko wag lang po sa UST. Dream school po kasi, eh. And Architecture nga pala ang kinuha kong course and Center Of Excellence ang Architecture doon. Siguro kapag don ako, panigurado maganda na ang kinabukasan ko. Although sabi nga nila “nasa kamay ng tao ang kinabukasan niya” syempre eh may advantage ako kapag dun ako nag-aral.
Hindi ko man masabing gabi-gabi, pero tuwing nagda-dasal ako eh lagi yan kasama sa panalangin ko, “ang makapasa”. 11:11 wish ko nga rin pala yan lagi. Gusto rin kasi ng nanay ko na diyan ako mag-aral eh. Ayoko man, pero nage-expect siya. Ayoko siyang ma-disappoint.
Ayokong magsalita agad na “Sus! Papasa ako jan” kasi baka bandang huli ma-disappoint din ako sa sarili ko. Pero hanggat maari Think Positive ako. 1st batch nga pala ko nag-test kasi sabi nila eh Priority daw ang 1st batch. Desperado ako, eh.
Makapasa lang po talaga ko sa UST, pangako mag-aaral akong mabuti.
December 29, 2011
Sabi mo gusto mo ko. Sabi mo may nararamdaman ka para sakin. Ano nangyare? Wala ka na. Bigla bigla ka nalang naglaho. Hindi ka na nag-text. Hindi ka na nagparamdam. Ano ba talaga ko sayo? ANO BA TAYO? Nangako ka pa na hindi ka mangi-iwan. Tama nga, “promises are meant to be broken” talaga. Kaya hindi rin ako umasa. Pero syempre, masakit. Lilipas din `to. Matatapos din `to. Siguro paalam na talaga.
Nag-inuman kami nila Molly sa Poblacion, Makati nung isang araw lang. Nagkayayaan lang. Maya-maya nagpasama `tong si Molly bumili ng yosi. Edi ayan, punta kaming tindahan. Umupo ako saglit at etong si Molly nag-yosi.. Biglang nagtanong..
Molly: Kamusta na sa Paco?
Ako: Okay naman, tangina padin. Hehe.
Molly: Eh kayo ni asfhwhru?
Ako: Ha, bakit?
Molly: Diba may something kayo non dati.
Ako: Ha? Gago wala ah.
Molly: Ulol alam ko yon noh.
Nagulat lang ako, matagal na kasing issue samin yon. Maraming nagtatanong kung naging kami ba or MU. Wala naman, hindi naman naging kami ni asfhwhru. Siguro masipag lang talaga siya.. sweet siya sakin, sweet din sa iba `ika nga. Hindi naman ako umasa non pero inaamin ko, kinilig ako sa mga texts niya. Kumbaga feeling ko nandon na kami sa point na beyond landian na.
Nagtaka lang ako na hanggang ngayon eh hindi padin pala natatapos yung issue na yon. Pero sa totoo lang, na-miss ko yung may kalandian. yung tipon kinikilig. Hindi ko na nga alam kung kelan ako huling kinilig eh. Hindi ko na maalala. Sana dumating na yung taong para sakin. Matyaga naman ako mag-hintay eh.
Ako: Galing na nga mag-backlip nun, eno..
Yner: Ano sabi mo ulet?
Ako: Ang galing mag-backlip.
Yner: Anong backlip? Tanga backflip.
BWAHAHAHA. BOBO AKO, EH. BACKFLIP PALA YONSSSS.
Decemeber 25, 2011
Alam kong pwede yung tayo kung gugustuhin lang natin. Magagawan ng paraan. Kaya lang bumitiw ka eh, nang-iwan ka. Hinintay kita, bumalik ka.. pero may iba na. Hindi ko naman masasabing pinaasa mo ko. Tanga ko lang kasi umasa ako. Umasa kasi ako na pwede pala yung tayo kaya lang mali pala ako. Ganyan ka naman eh, babalik ka kapag kailangan mo ako. Kailangan mo ng karamay. Ako naman si tanga laging nanjan tapos kapag okay na kayo iiwan mo nanaman ako. Hindi naman ako nagtatampo sa`yo eh, nasanay na kasi ako.. Sanay na akong andiyan ka kapag kailangan mo ako. Pero okay na rin siguro yan kesa naman wala, diba..
Gift giving.
Kagabi ko lang naramdaman na pasko na talaga. Pumunta kasi ako kila Nica para sa photoshoot then nagulat ako may gift giving pala sila. Edi tumulong na rin ako sa pagbabalot..

After niyan kasi eh may stub silang binibigay sa kids. 7:00 nag-start yung pila ng mga bata, ang dami nila. Honestly ang babaho nila amoy pawis lol. Pero okay lang yun ganun din naman ako nung bata. Ang hirap nilang papilahin ng maayos. Yung mga parents nakikisali pa sa gulo ng bata kaya lalong tumatagal.

Ramdam ko sa batang `to na nalulungkot siya hindi siya nakakuha ng stub. Try niyo titigan mata niya, maaawa kayo.

Kahit medyo nakakapagod, ang sarap ng feeling kapag may napapasaya kang mga bata. Kahit konti lang yung binigay ng family nila Nica sa mga bata hindi naman nila pagsisisihan na may napasaya silang bata. Ang sarap ng feeling. Merry Christmas guys!

